Ang Tulong ng Teknolohiya sa Pag-aaral

 “Ang Tulong ng Teknolohiya sa Pag-aaral”

       By: Jelian C. Cabulay

“Education is the most powerful weapon that we can use to change the world.” Maraming mga bagay ang umusbong sa ating lipunan ngayon, isa na dito ang mga teknolohiya kung saan maraming mga bagong naimbento na mas makatutulong sa atin na mapadali ang ating mga gawain, lalong-lalo na sa pag-aaral. Teknolohiya ang naging sandalan sa lahat, mas maraming bagay ang maaaring magagawa, sapagkat mabilis lang matapos ang mga nais mong gawin gamit ang teknolohiya. Maaaring makipag komunikasyon kahit nasa malayo at marami ka ding maaaring makikilala na galing sa ibang bansa, sapagkat malawak na ang kagamitan ng teknolohiya sa larangan ng komunikasyon lalong-lalo na ang pang-edukasyon.

Bilang isang guro sa hinaharap layunin nating magkaroon ng sapat na kaalaman pagdating sa teknolohiya, sapagkat halos lahat ng mga mag aaral ay may maraming kaalaman pagdating sa teknolohiya. Bilang karagdagan sa pagpapadali sa proseso ng pag-aaral, ang bagong teknolohiya ay tumutulong sa mga mag-aaral na makilala ang mundo ng modernong trabaho sa pamamagitan ng paglutas ng problema. Ang mga proyekto sa agham ng paaralan ay muling naisip sa pamamagitan ng pagpapakilala ng robotics, programming at 3D printing.

Ang teknolohiyang pang-edukasyon ay maaaring magsulong ng pakikipagtulungan. Hindi lamang maaaring makipag-ugnayan ang mga guro sa mga mag-aaral sa panahon ng mga aralin, ngunit maaari ring makipag-usap ang mga mag-aaral sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng mga online na lesson at learning games, nagtutulungan ang mga mag-aaral upang malutas ang mga problema.

Comments